PANATAG ANG MAY MALUSOG NA KATAWAN
Aralin sa Filipino 5
Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay
PANATAG ANG MALUSOG NA KATAWAN ni: Emelinda D. Tesorero
Si Matt ay nakatira sa lungsod, isang batang may malusog at malinis sa pangangatawan. Araw-araw niyang ginagawa ang mga gawaing gagabay sa kanya upang mapanatiling masigla, malakas at malinis ang kanyang katawan. Sa umaga, pagkagising pa lang ay kaagad niyang nililigpit ang kanyang hinigaan, mabilis na kinukuha ang bimpo upang maghilamos ng mukha kasabay ang pagmumumog at pagsisipilyo ng kanyang mga ngipin. Matapos iyon ay tumutulong siya sa kanyang nanay upang maghanda ng kanilang almusal. Mahilig kumain ng mga masustansyang pagkain si Matt. Kumakain siya palagi ng mga prutas at gulay na inaani pa ng kanyang tatay na nakatanim lamang sa paso, sapagakat wala silang malaking lupain na tataniman.
Mahilig din siyang kumain ng isda at uminom ng gatas. Hindi rin niya kinakalimutang uminom ng bitamina upang palakasin ang kanyang resistensya. Araw-araw din siyang naliligo upang mapanatiling malinis ang kanyang katawan at preskong kaisipan. Kaya naman panatag si Matt, hindi siya nagkakasakit dahil sa maayos na pangangalaga niya sa kaniyang katawan sa tulong ng kanyang nanay at tatay.
Tanong:
Batay sa kuwentong iyong binasa, gumawa ng limang tanong, gamitin ang mga panandang tanong sa pagbuo nito.
1. Sino ______________________________________
2. Ano ______________________________________
3. Paano ____________________________________
4. Kailan ____________________________________
5. Bakit _____________________________________
Comments
Post a Comment